Mag-utol niratrat ng kaalitan

CABANATUAN CITY, Nueva Ecija, Philippines - – Napatay ang 30-anyos na lalaki habang sugatan naman ang nakababatang kapatid nito makaraang pagbabarilin ng kanilang nakaaway sa Purok Narra, Barangay Lourdes sa Cabanatuan City, Nueva Ecija, kamakalawa ng umaga. Kinilala ng pulisya ang napaslang na si Francisco Baltazar habang ginagamot naman sa Dr. Paulino J. Garcia Hospital ang kapatid nito na si Sonny Baltazar, 25, kapwa nakatira sa nasabing barangay. Samantala, pinaghahanap naman ng pulisya ang suspek na si Ruding Velasquez ng Purok 1, Barangay Cruz Rojas sa nasabing lungsod. Nabatid na  nagkakape ang magkapatid sa labas ng kanilang bahay nang lapitan at ratratin ng suspek.

Show comments