CAMARINES NORTE, Philippines - - Pinaniniwalaang hindi nagkasunod sa presyo ng panabong na manok na ipinagbibili kaya nagawang pagtulungang tagain at saksakin ang 34-anyos na magsasaka ng dalawang tindero sa Purok 6, Barangay Basidad, bayan ng Sta. Elena, Camarines Norte kamakalawa ng hapon. Kasalukuyang nakikipaglaban kay kamatayan sa Rosary Virgin Mary Hospital ang biktimang si Leovin Serdina habang pinaghahanap naman ang mga suspek na sina RoÂderick Gabo at Ruben Calimusa na kapwa nakatira sa Barangay San Isidro, bayan ng Libmanan, Camarines Sur. Nabatid na bumibili ng panabong na manok ang biktima subalit hindi nagkasundo sa presyo na tinuran ng mga suspek. Gayon pa man, tumanggi ang biktima na bilhin ang panabong na manok kaya nagalit ang mga suspek kung saan isinagawa ang pananaga at pananaksak.