Lolo patay sa killer truck

MANILA, Philippines - Kamatayan ang sumalubong sa 86-anyos na lolo matapos itong magulungan at makaladkad pa ng truck sa kahabaan ng highway sa Barangay Cagbas, Bayugan City, Agusan del Sur kamakalawa ng gabi. Kinilala ang biktima na si Venirando Vales ng Purok 7, Brgy. Poblacion sa bayan ng Esperanza habang pinaghahanap naman ng pulisya ang driver ng truck na si Samuel Sarabia. Nabatid na naglalakad ang matanda sa gilid ng highway nang mahagip, magulungan, at makaladkad pa ng Isuzu Elf truck (GTH-760) ni Sarabia.

Show comments