MANILA, Philippines - Nabulabog ang General Santos City, ang lungsod ni boxing champion Manny “Pacman†Pacquiao kaÂsunod ng pagkakadisÂkubre sa bomba na itinanim sa downtown area kamaÂkalawa ng gabi.
Ayon kay P/Senior Supt. Froilan Quidilla, director ng General Santos City PNP, ang bomba ay itinanim sa bisinidad ng Petron Gasoline Station sa kahabaan ng Pedro Acharon Boulevard.
Isinilid sa plastic bag ang bomba na gawa sa dalawang 60mm mortar shells na may nakakabit na electrical wire, blasting cord at mobile phone bilang triggering device.
Kaagad napansin ng mga attendant ng naÂsabing gasolinahan ang nasaÂbing bomba bago pa man ito sumabog kung saan rumesponde ang mga opeÂratiba ng Explosives and Ordnance (EOD) team bitbit ang mga K-9 dogs at na-detonate ang bomba.
Sa pahayag ng gasoline boy na si Joseph Pelaez, dalawang lalaki na nagmaÂmadaling lumisan ang nag-iwan ng kulay puting plastic bag na pinaglagyan ng bomba na dalawang kilo ang bigat.
Ayon sa ulat, maaÂaring makapinsala ng hanggang 20 metrong radius kung sumabog ang bomba habang patuloy ang imÂbestigasyon.