Pulis namaril sa music bar

CAVITE, Philippines - – Isa ang na­patay habang kritikal naman ang kasama nito matapos mamaril ang magkaibigan kabilang ang isang pulis sa loob ng music bar sa Barangay Biclatan, bayan ng General Trias, Cavite kahapon ng madaling-araw.


 Kinilala ang napatay na si Rey Pillajera, 42, habang kritikal naman si Antonio Obdiman, 38, kap­wa nakatira sa nabanggit na barangay.

Pinaghahanap naman ang suspek na si PO1 Jonathan Ambata, 30, ng PNP Aviation Security Group at nakatira sa bayan ng Amadeo, Cavite habang nadakip naman ang kaibigan nitong si Glen Cruz, 30.


Sa police report na nakarating sa Camp Pantaleon Garcia sa Imus City, magkasamang umiinom ang mga biktima sa Blue Hawaii Music Bar and Restaurant nang makainitan nila ang nasa kabilang mesa ng mga suspek.

Dahil sa mga lango na sa alak ang mga suspek ay nagsimulang mamaril ang mga ito hanggang sa mapatay ang biktima.

Narekober sa crime scene ang siyam na basyo ng cal. 45 pistol  at motorsiklo.

Show comments