2 desperadong ama, nagbigti

CAVITE, Philippines – Nagpasalubong kay kamatayan ang dalawang ama na naging desperado sa buhay matapos mag-suicide sa magkahiwalay na barangay sa bayan ng Silang, Cavite kahapon at kamakalawa. Sa ulat ni SPO1 Eric Ambojia, si Francisco Bautista, 50, na sinibak sa trabaho sa bayan ng Calaca, Batangas ay nagbigti sa punungkahoy sa likuran ng kanyang bahay sa Barangay Kaong sa bayan ng Silang kahapon. Samantala, si Rodelio Perez, 47, ay nagpasyang magbigti rin sa inuupahang bahay matapos mawalan ng pag-asa na buhayin ang kanyang pamilya mula sa pagiging driver sa Barangay Malabag sa nasabing bayan.

Show comments