^

Probinsiya

Anak inakalang aswang, inatado ng ama

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kasalukuyang nakikipaglaban kay kamatayan ang 17-anyos na dalagitang pipi matapos na pagtatagain ng sariling ama nang mapagkamalang aswang sa Barangay Garita, bayan ng San Enrique, Iloilo kamaka­lawa ng gabi.

Kinilala ni P/Chief Insp. Rogil Morales, hepe ng San Enrique PNP ang biktima na si Wennilyn Rapista na isinasalba ang buhay sa pagamutan sa tinamong mga taga sa likurang bahagi ng katawan, kamay at mga paa.

Sising alipin naman na sumuko sa pulisya  ang ama ng biktima na si Winnie Ra­pista, 41, magsasaka at kap­wa nakatira sa nasabing barangay.

Sa imbestigasyon, sinabi ni Morales na naganap ang insidente sa likuran ng bahay ng pamilya Rapista na nasa liblib na lugar at hindi pa naabot ng linya ng kuryente.

Nabatid na lumabas ng bahay ang biktima dahil sa tawag ng kalikasan  at dahil naman sa mga kaluskos sa likuran ng kanilang tahanan ay naalimpungatan naman ang ama nito.

Agad nitong kinuha ang bagong hasang itak at sa pag-aakalang aswang ang kumakaluskos sa likod ng kanilang bahay ay agad pinagtataga ang biktima.

Nagulantang na lamang ang suspek nang marinig ang impit na panaghoy ng anak at huli na ng malaman nito na ang dalagita ang kaniyang pinagtataga.

Sinasabing ang lahi ng mga aswang na kinatatakutan sa bayan ng Duenas, Iloilo kaya hindi na bago ang  kuwento ng nasabing katatakutan.

BARANGAY GARITA

CHIEF INSP

ILOILO

KASALUKUYANG

KINILALA

ROGIL MORALES

SAN ENRIQUE

WENNILYN RAPISTA

WINNIE RA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with