Mister nangulila, nagbigti

BULACAN, Philippines - – Pinaniniwalang nangulila sa mga anak kaya nagdesisyong magpasalubong kay kamatayan ang 33-anyos na biyudo matapos itong magbigti sa kanyang pinapasukang gusali sa Barangay Bulac, bayan ng Sta. Maria, Bulacan kahapon ng umaga. Ayon kay SPO1 Jerry Villamor, nadiskubre ang bangkay ng biktimang si Vergilio Glodivice dakong alas-10 ng umaga matapos usisain ng kanyang kasama sa trabaho na si Arnel Pedragosa ang main gate. Nabatid na bago mag-suicide ng biktima ay naikuwento nito sa mga kaibigan ang pangungulila sa kanyang mga anak na nasa Camarines Sur. Narekober ang cell phone ng biktima kung saan may matinding problema ang mga anak.

Show comments