Bus swak sa bangin: 2 dedo, 16 kritIkal

NUEVA VIZCAYA, Philippines - – Dalawa-katao ang namatay habang 16 naman ang malubhang na­sugatan makaraang mahulog ang pampasaherong bus sa malalim na bangin sa Barangay Capintalan, bayan ng Carranglan sa hangganan ng Nueva Vizcaya at Nueva Ecija noong Miyerkules ng madaling-araw.

 Kinilala ng pulisya ang mga namatay na sina Christy Compalas, 37, ng Barangay San Antonio North, Bambang, Nueva Vizcaya; at Jennifer Ta­yuto, 18, ng Iguig, Caga­yan. Kalaboso naman ang drayber ng Dalin Bus Liner (BVF-733) na si Teody Marayang, 36, ng Barangay Alingigan, Angadaman, Isabela.

Kabilang si Fely Pasion, 54, sa malubhang nasugatan at 15 iba pang pasahero ay ginagamot ngayon sa iba’t-ibang ­pagamutan.

Pinaniniwalaang nakatulog ang drayber ng bus na may biyaheng Cubao, Quezon City mula sa Tuguegarao City  kaya nagtuluy-tuloy sa malalim na bangin.

Show comments