Suporter ng kandidato, itinumba

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines - – Napaslang ang 34-anyos na mister na supporter ng nanalong barangay kagawad matapos itong pagbabarilin ng mga di-kilalang lalaki sa harap ng kanyang misis kahapon ng madaling-araw sa Sitio Kilapad, Barangay Poblacion 2, bayan ng Claveria, Masbate. Nabatid na papasok pa lamang sa gate ng kanilang bahay ang biktimang si Dante Contojos kasama ang kanyang misis mula sa polling precinct sa isinasagawang canvas­sing ng balota nang lapitan at ratratin. Isusunod sana ang misis ng biktima nagmakaawa sa gunmen. Nabatid na sinuportahan ng biktima ang kandidatura ng utol ng kanyang misis.

Show comments