TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines - - Dalawang magkatunggali sa pagka-chairman at magpinsan na tumakbong kagawad sa Ilagan City, Isabela ang nagpasyang resolbahin ang pagka-tie sa pamamagitan ng toss coin sa Barangay Pagdaraoan, San Fernando City, La Union kamakalawa.
Kapwa nakakuha ng botong 405 ang incumbent chairman na si Romulo “Mulong†Pulido laban sa katunggaling si Raul Octavo sa halalan ng pagka- barangay chairman, ayon kay Sonny Pacion, chairman ng lokal na Board of Canvassers.
Ang dalawang kandidato na nag-tie ay pumayag na lumagda sa kasunduang ginawa ni Pacion kung saan susunod sa resulta ng toss coin gamit ang P5.
Dito nagwagi ang krus na unang pinili ni Pulido, ayon kay Pacion.
Samantala, sa Barangay Alinguigan III, Ilagan City naman ay kapwa nakakuha ng 279 boto ang magpinsan incumbent Kagawad Nicanor Cabalonga at Faustino Cabalonga sa pagiging ikaapat na puwesto sa konseho.
Si Faustino ang nagwagi sa toss coin ayon kay Barangay Chairman Felipe Manaligod.
Gayun pa man, pasok pa rin si Nicanor sa ika-5 puwesto sa konseho ng pitong kagawad sa barangay.