^

Probinsiya

2 nalong chairmen nag-toss coin

Raymund Catindig, Artemio Dumlao - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines - -  Dalawang magkatunggali sa pagka-chairman at magpinsan na tumakbong kagawad sa Ilagan City, Isabela ang nagpasyang resolbahin ang pagka-tie sa pamamagitan ng toss coin sa Barangay Pagdaraoan, San Fernando City, La Union kamakalawa.

Kapwa nakakuha ng botong 405 ang incumbent chairman na si Romulo “Mulong” Pulido laban sa katunggaling si Raul Octavo sa halalan ng pagka- barangay chairman, ayon kay Sonny Pacion, chairman ng lokal na Board of Canvassers.

Ang dalawang kandidato na nag-tie ay pumayag na lumagda sa kasunduang ginawa ni Pacion kung saan susunod sa resulta ng toss coin gamit ang P5.

Dito nagwagi ang krus na unang pinili ni Pulido, ayon kay Pacion.

Samantala, sa Barangay Alinguigan III, Ilagan City naman ay kapwa nakakuha ng 279 boto ang magpinsan incumbent Kagawad Nicanor Cabalonga at Faustino Cabalonga sa pagiging ikaapat na puwesto sa konseho.

Si Faustino ang nagwagi sa toss coin ayon kay Barangay Chairman Felipe Manaligod.

Gayun pa man, pasok pa rin si Nicanor sa ika-5 puwesto sa konseho ng pitong kagawad sa barangay.

vuukle comment

BARANGAY ALINGUIGAN

BARANGAY CHAIRMAN FELIPE MANALIGOD

BARANGAY PAGDARAOAN

BOARD OF CANVASSERS

FAUSTINO CABALONGA

ILAGAN CITY

KAGAWAD NICANOR CABALONGA

LA UNION

PACION

PULIDO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with