Kandidato inutas dahil sa utang

MANILA, Philippines - Napatay ang kandidatong konsehal matapos na pagtatagain dahil sa kabiguang magbayad ng utang sa isang obrero noong Lunes sa Dinagat Island, Surigao del Norte. Kinilala ang napaslang na si Godofredo Siega Jabay ng Barangay Albor, bayan ng Libjo sa nasabing isla. Arestado naman ang suspek na si Marjun Sapio, 29, obrero at nakatira sa ng Brgy. San Antonio, Libjo ng nasabing isla. Naganap ang krimen dakong alas-9 ng umaga habang nakatayo ang biktima kung saan idinaraos ang barangay elections na may ilang metro ang layo sa kanyang bahay. Nabatid pa na may utang na P 3,900 ang biktima kung saan tumangging magbayad sa suspek bago naganap ang pamamaslang.

Show comments