2 botante itinumba

MANILA, Philippines - Dalawang botante ang pinabulagta matapos na tambangan ng mga armadong kalalakihan habang patungo sa polling precinct kaugnay ng barangay elections sa bayan ng Toboso, Negros Occidental kahapon ng umaga.

Kinilala ang mga bik­tima na sina Lione Belleza, at Brian Bacordo habang nakaligtas naman ang kasamahang si Daniel Sabillo na nagawang tukuyin ang mga suspek.

Bandang alas-7 ng umaga­ nang maganap ang pamamaril sa nasa­bing lugar habang patu­ngo sa polling center ang mga biktima para bumoto.

Sa imbestigasyon, nagmomotorsiklo si Sabillo kung saan sumusunod sa dalawa niyang kasamahan na magkaangkas naman sa motorsiklo nang ratratin ng mga armadong lalaki na lulan ng kotse habang sakay din ng motorsiklo ang apat na iba pa.

Kabilang sa mga suspek na positibong nakilala ng testigo ay sina Gary Enriquez na sinasa­bing kandidatong opisyal sa barangay; Regie Pa­larca, alyas  Toto Kaskas, alyas­ Toto Maton at si Tata Walter­.

 

Show comments