2 kandidatong kagawad, nag-suicide

QUEZON, Philippines – Matin­ding depresyon ang isa sa mo­tibo kaya nag-suicide ang dalawang kandidato sa pagka-barangay kagawad sa naganap na magka­hiwalay na suicide sa mga bayan ng Candelaria, Ta­yabas, Quezon kahapon ng umaga.

Isang tama ng bala sa bibig na tumagos sa ulo ang tumapos sa buhay ni Rolando Delgado Laroza, 44,  may-asawa at nakatira sa Barangay Mayabobob, bayan ng Candelaria.

Narekober ang suicide note ng biktima na humihingi ng kapatawaran sa asawang si Baring at sa kandidato sa pagka-ba­rangay chairman na si Ricardo Mayuga.

Samantala, nagbaril at nagbigti naman Rode­lito Labita Castillo, 35, ng Barangay Banilad, bayan ng Tayabas.

Ayon kay P/Chief Insp. Manny Calma, hepe ng Tayabas PNP, bandang alas-7:20 ng umaga nang matagpuan ang bangkay ni Castillo na may tama ng bala sa kaliwang dibdib at nakabitin ang katawan sa puno ng lansones, may 50-metro ang layo sa kanyang bahay.

Narekober ang ginamit na home-made cal. 38 revolver kung saan ayon sa mga ka­anak nito na nakakikitaan ng panlulumo at matin­ding depresyon si Castillo sa pa­ngambang matalo sa barangay elections.

 

Show comments