LA TRINIDAD, Benguet , Philippines – Pinabulagta ang 53-anyos na sinasabing gun-for-hire assassin matapos itong ratratin ng di-kilalang lalaki sa Barangay Laguiben, bayan ng Langangilang, Abra noong Huwebes ng gabi. Kinilala ng pulisya ang napatay na si Noli Barbero na natagpuan malapit sa balon ng Sitio Tungilaw bandang alas-6 ng gabi. Sa imbestigasyon ng pulisya, lumilitaw na patungong balon ang biktima para maligo nang lapitan at pagbabarilin. Wala naman marekober sa basyo ng baril sa crime scene habang patuloy ang pagsisiyasat.