Bangka lumubog: 38 nailigtas

QUEZON , Philippines   - Nailigtas sa tiyak na kapahamakan ang tatlumput-walong pasahero ng pampasaherong bangka na lumubog sa karagatan ng bayan ng Perez, Quezon, kamakalawa ng hapon. Kabilang sa mga biktima na isinailalim sa debriefing ng mga awtoridad ay sina Manar Perante, Roan Gande Rival, Mean Razar, Opelia Nierva, Gema Enisin, Maricar Santos, Melen Enisin, Mean Niera, Alexis Merada, Jaderick Enisin, at ang kapitan ng bangka na si Eudardo San Diego. Nabatid na patungo sana sa Balesin Island sa bayan ng Polilio, Quezon ang motorbanca nang salubungin ng malakas na buhos ng ulan ilang oras matapos na umalis sa Atimonan Port.  Kaagad na nagsagawa ng search and recue operation ang mga awtoridad  matapos na matanggap ang impormasyon na lumubog ang M/B San Diego dahil sa malalakas na hampas ng alon kung saan nailigtas naman ang mga biktima.

 

Show comments