CAMP SIMEON OLA ,Legazpi City, Philippines — Dahil sa pakikipagÂhiwalay ng nobyo, isang 18-anyos na dalaga ang nagpatiwakal matapos itong magbigti sa loob ng kanilang tahanan sa Purok 3, Brgy. Panarayon, Bacacay, Albay.
Sa ulat ng pulisya, dakong alas-3 ng hapon ng madiskubre ang nakabigting bangkay ng biktimang si Danica Barcellano na nakabitin sa loob ng silid nito.
Nabatid na ginamit ng biktima sa pagpapatiwakal ay ang strap ng kaniyang bag na nakatali sa palupo ng kanilang tahanan.
Lumilitaw pa sa imbestigasyon noong Oktubre 23 dakong alas-7 ng gabi ay tinangka na ring magpakamatay ng biktima sa pamamagitan ng paghiwa sa kaniyang pulso pero napigilan ng kaniyang kasintahang tinukoy lamang sa pangalang Philip.
Sa pahayag ng mga kaibigan ng dalaga, matinding deÂpresyon ang nagtulak sa biktima para magpakamatay maÂtapos makipaghiwalay ang kasintahan.