MANILA, Philippines - Umaabot sa labimpitong business concessionaires na illegal na nag-ooperate sa Philippine National Police Academy (PNPA) sa Camp Mariano Castañeda, bayan ng Silang, Cavite ang ipinasara kahapon.
Binigyan na ng kalatas ni PNPA Director P/Chief Supt. Noel Constantino ang mga establisyemento na ihinto na ang operasyon sa loob ng PNPA.
Kabilang sa mga ipinasara ay ang mga estaÂblisyementong nagbebenta ng pagkain, laundry shop, tailoring at travel business.
Sinabi ni Constantino na ang mga nasabing tindahan ay matagal ng nago-operate ng walang pinagkasunduang kontrata, hindi nagbabayad ng renta, tubig at ng kuryente sa pamunuan ng PNPA.
Dahil sa nasabing isyu ay naunang inimbestigahan ng Office of the Ombudsman kaugnay ng milyong nawawala sa PNPA dahil sa hindi pagbabayad ng renta, konsumo sa tubig at kuryente ng mga estaÂblisyemento.
“Transparency and accountability in business transactions, particularly those involving concessionaires and service providers in the PNPA are among the reform measures initiated by Constantino at the premiere police training school that prepares cadets to become police commissioned officers and future leaders of the PNP,â€pahayag naman ni PNP –Public Information Office P/Chief Supt. Reuben Theodore Sindac.