4 tiklo sa sako ng marijuana

MANILA, Philippines - Umiskor ang mga ope­ratiba ng pulisya matapos masakote ang apat na kalalakihan na sinasabing big time drug dealer kamakalawa sa Tabuk City, Kalinga. Sa ulat ni P/Senior Supt John Colinio, acting provincial director ng Kalinga, kinilala ang mga suspek na sina Mendos Macad, 29; Pedro Baggas, 23; Gregorio Sabawil, 34;  at si Ostilli Alunday, 29. Ang mga suspek na lulan ng traysikel mula sa Tinglayan, Upper Kalinga ay nasakote sa PNP checkpoint sa kahabaan ng Barangay Bantay kung saan nasamsam ang 4 na sako ng pinatuyong dahon ng marijuana na sinasa­bing dadalhin sa Barangay Bulanao, Tabuk City.

Tinangka pa ng mga suspek na umiwas sa checkpoint pero hinabol sila ng pulisya hanggang sa masukol.

 

Show comments