Hepe ng tanod sinapak, utas

NUEVA ECIJA, Philippines - – Bulagta ang 59-anyos na hepe ng barangay tanod matapos itong sapakin ng isa sa tatlong senglot na lalaki na tangkang pumasok sa pinagdarausan ng boy scout camping sa eskuwelahan sa Barangay Marikit, bayan ng Guimba, Nueva Ecija kamakalawa ng gabi. Namatay habang ginagamot sa Guimba General Hospital ang biktimang si Agapito Asuncion habang pinaghahanap naman ang mga suspek na si Tristan Rafal, Orlando dela Cruz at si Leonardo Taberna. Ayon sa pulisya, naka-duty ang biktima sa school premises nang bigla umanong dumating ang tatlong suspek. Nabatid na papasok na sa nasabing school premises ang tatlo nang biglang harangin ng biktima kung saan sumiklab ang pagtatalo hanggang sa maganap ang panununtok.

Show comments