^

Probinsiya

Mag-asawang kandidato nilikida

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Limang-araw  bago ganapin ang barangay elections, napatay ang mag-asawang kumakandidato matapos na pagbabarilin ng mga armadong kalalakihan sa Barangay Tabud, bayan ng Bataraza, Palawan kahapon ng madaling araw.

Kinilala ni P/Senior Supt Raymond Domingo, hepe ng Bataraza PNP ang mag-asawang biktima na sina Rogelio Consomino, 56; at Zosima Consomino.

Nabatid na si Zosima ay kumakandidatong barangay chairman habang ang mister naman nito ay kandidato sa pagka-barangay kagawad.

Bandang alas-12:05 ng madaling araw habang pauwi na ang mag-asawa mula sa pakikipanood ng telebisyon sa kanilang kapitbahay nang harangin at ratratin ng mga armadong lalaki.

Bago maganap ang krimen, nakatanggap umano ng pagbabanta sa kanilang buhay ang mag-asawa na sinasabing maraming supporter sa kanilang lugar.

Pinaniniwalaang may bahid-pulitka ang naganap na pamamaslang sa mag-asawa dahil sa labanan ng mga kandidato sa nasabing eleksyon sa Oktubre 28.

BANDANG

BARANGAY TABUD

BATARAZA

KINILALA

LIMANG

NABATID

OKTUBRE

ROGELIO CONSOMINO

SENIOR SUPT RAYMOND DOMINGO

ZOSIMA CONSOMINO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with