4-anyos totoy utas sa SUV

BULACAN, Philippines - – Maagang sinalubong ni kamatayan ang 4-anyos na totoy matapos itong masagasaan ng SUV sa gilid ng Provincial Road sa Barangay Manggahan, bayan ng Sta. Maria, Bulacan kahapon. Ayon kay SPO1 Jerry Villamor, bumibili ng pagkain ang biktima nang salpukin ng Toyota Revo (WGE-540) ni Ciriaco Castro, 65, retiradong kawani ng DPWH at nakatira sa Victoria Towers sa Timog-Panay Ave., Quezon City. Gayon pa man, tumakas si Castro sa halip na dalhin sa ospital ang biktima. Sa impormasyong nakalap ni P/Senior Insp. Pol Palomeno ay na­dakip si Castro sa bayan ng Pandi, Bulacan kung saan ito nahaharap sa kasong kriminal.

Show comments