^

Probinsiya

3 patay, 4 sugatan sa bakbakan

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dalawang Cafgu at isang rebeldeng New People’s Army (NPA)  ang napaslang habang apat na iba pa ang nasugatan makaraang magsagupaan ang tropa ng militar at mga grupo ng NPA sa liblib na bahagi  ng Sitio Akday sa  Barangay Esperanza, Agusan del Sur kamakalawa ng umaga.

Ayon kay Captain Christian Uy, spokesman ng Army’s 4th Infantry Division, sumiklab ang bakbakan bandang alas-8:30 ng umaga makaraang makasagupa ng Delta Company ng Army’s 23rd Cadre Battalion  ang grupo ng mga rebelde.

Tumagal din ng 45-minuto ang bakbakan kung saan napatay ang dalawang Cafgu at isang rebelde na namataan ng mga sibilyan habang tumatakas ang mga kasamahan nito.

Samantala, nasugatan naman sa bakbakan si Sgt. Danilo Alamban at tatlong sibilyang tinamaan ng ligaw na bala.

vuukle comment

AGUSAN

BARANGAY ESPERANZA

CADRE BATTALION

CAPTAIN CHRISTIAN UY

DALAWANG CAFGU

DANILO ALAMBAN

DELTA COMPANY

INFANTRY DIVISION

NEW PEOPLE

SITIO AKDAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with