MANILA, Philippines - Napaaga ang salubong ni kamatayan sa 5-anyos na nene matapos itong halayin ay brutal pang pinagpapalo sa ulo ng isang lalaki na sinasabing adik sa bawal na droga sa sa Purok Tambulian sa Barangay Malim, bayan ng Tabina, Zamboanga del Sur kamakalawa.
Sa police report na nakarating sa Camp Crame, bandang alas- 5:30 ng uÂmaga nang madiskubre ang bangkay ni Wishe Bodiongan sa madamong bahagi ng nasaÂbing lugar.
Ang biktima ay may paÂlatandaang minolestiya at may mga pukpok ng matigas na bagay sa ulo, duguan ang maselang bahagi ng katawan at tadtad ng mga sugat at pasa sa katawan.
Base sa imbestigasyon, huling nakitang buhay ang biktima na naglalaro malapit sa bahay ng suspek bago iniulat na nawawala noong Sabado.
Arestado naman ang suspek na si Roger Cuadero, 29, matapos na lumutang ang testigo na makakita na inaakay ang bata patungo sa magubat na bahagi ng nasabing barangay.