BULACAN , Philippines – PinabuÂlagta ang tatlong kalalakihan habang dalawang iba pa ang nasa kritikal na kalagayan sa naganap na pamamaril ng dalawang di-kilalang lalaki sa isinagawang pot session sa Barangay Fatima 5, San Jose Del Monte City, Bulacan kahapon ng madaling-araw.
Hindi na umabot pa ng buhay sa ospital ang mga biktimang sina AdoÂnis Reyes, 32; Bryan MaÂningas, 25; at si Boogie Sanchez, 36, bus driver, ng Barangay San Pedro habang malubha naman sina Marita Montes, 36; at Lamberto Del Rosario, 29, bus driver.
Ayon kay PO2 Melvin Rogero, nagpa-pot session ang mga biktima sa bahay ni Reyes nang pasukin at ratratin ng dalawang lalaki na naka-bonnet.
Narekober sa crime scene ang 16-basyo ng bala ang cal. 45 pistol, 3-sachet ng shabu at mga drug paraphernalia.
Pinaniniwalaang onsehan sa bawal na droga ang isa sa motibo ng gunmen kaya isinagawa ang pamamaril sa mga biktima.