Nalugi sa pananim, nagharakiri

TUGUEGARAO CITY, Cagayan , Philippines   â€“ Pinaniniwalaang pagkalugi sa pananim na palay na hindi magapas nitong tag-ani kaya nagdesisyong magharakiri ang 42-anyos na magsasaka sa Barangay Natappian West, bayan ng Solana, Cagayan kamakalawa.

Sa salaysay ng misis na si Catalina kay SPO1 Bernard Beran, bandang alas-3 ng madaling-araw nang ma­tagpuan ang biktimang si Angel Baggayan Jr. na naliligo sa sariling dugo matapos itong magsaksak sa tiyan sa ibabaw ng kama.

Naisugod naman ng mga kasama sa bahay ang biktima sa pagamutan kung saan ay nasa ligtas na itong kalagayan.

Ayon sa misis ng biktima, ikalawang pagkakataon na ng mister nitong magpakamatay dahil sa pagkalugi sa kanilang pananim.

Show comments