3 dedo sa road mishap

TUGUEGARAO CITY, Philippines- Tatlong katao ang kumpirmadong nasawi kabilang na ang isang 5 anyos na paslit habang tatlo rin ang nasa kritikal  na kondisyon matapos salpukin ng sinasakyan nilang Elf truck ang steel rai­ling sa tabi ng national road sa Brgy. Masaya Sur, San Agustin, Isabela kahapon ng madaling araw.

Kinilala ni Isabela Police Director Sr. Supt. Sotero Ramos Jr. ang mga nasawi na sina Abraham Dalloran, 47 na driver ng truck, Roger Respicio ,42  isang magsasaka at ang musmos na si Love Joy Jacinto.

Kritikal naman sa Propero Bello Integrated Community Hospital sa Jones ang ama ni Love Joy na si Reynaldo, 24 at ang mga kaanak na mag-amang sina Agner, 47 at anak na si Reynold Jacinto, 5 anyos.

Lumalabas sa imbestigasyon na nawalan ng kontrol ang driver ng truck na lumipat sa kabilang linya ng daan bago sinalpok ang bakal na roadside railings. Ayon sa pulisya, sa lakas ng pagkakasalpok ay nawasak ang truck na naging sanhi rin ng pagtilapon ng mga biktima sa kalsada.

 

Show comments