^

Probinsiya

Reelectionist na konsehal itinumba

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Philippines- Mahigit isang linggo bago ang itinakdang Brgy. elections, isang reelectionist na  konsehal  ang nasawi matapos pagbabarilin ng hindi pa nakilalang armadong salarin sa gitna ng masayang inuman sa piging ng kasalan sa lalawigan ng Isabela kahapon ng madaling araw.

Kinilala ni Isabela Police Director Sotero Ramos Jr., ang nasawing biktima na si Rolly Lauria, incumbent councilor na tumatakbong muli sa posisyon sa kanilang lugar.

Sa inisyal na imbestigasyon, sinabi ni Ramos na nagbabawas umano sa tabi ng puno ang biktima ng lapitan at pagbabarilin ng salarin. 
Ang kamatayan ng biktima ay nataon sa ikalawang araw ng kampanya para sa darating na Barangay elections.
 Naunang binaril at na­patay ng parehong gabi ang isang 46 anyos na obrero sa kanugnog lugar ng Sta. Isabel Sur sa Ilagan City.
 Ayon kay Ramos, binaril at napatay si Willy Lapuebla sa harap ng kanyang nagmamakaawang mga anak sa harapan ng bahay ng kapitbahay nilang si Carlito Tadeo, 40.
Tumakas ang suspect matapos ang pamamaril at narekober naman ang cal. 9mm slugs sa crime scene.
Inaalam pa rin ng pulisya ang motibo sa naganap na pamamaslang.

Sa kasalukuyan, iniimbestigahan din pa kung may kinalaman sa pulitika ang naturang mga karahasan.

 

AYON

BRGY

CARLITO TADEO

ILAGAN CITY

ISABEL SUR

ISABELA POLICE DIRECTOR SOTERO RAMOS JR.

RAMOS

ROLLY LAURIA

WILLY LAPUEBLA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with