Drayber pisak sa trak

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines - – Lasog ang katawan ng 45-anyos na drayber matapos itong magulungan ng trak na nawalan ng preno sa kahabaan ng national highway sa Barangay Caquilingan, bayan ng Cordon, Isabela kamaka­lawa. Kinilala ni P/Chef Insp. Vicente Blancad, hepe ng Cordon PNP ang biktima na si Michael Ng ng Old Centro, San Mateo, Isabela. Ayon sa  ulat,  nawalan ng preno ang trak na kargado ng saku-sakong bigas kaya tumalon ang biktima kasama ang ilang pahinante nito. Gayon pa man, hindi maayos ang pagkakabagsak ng biktima sa highway kaya nahagip ng likurang gulong ng trak na sumalpok sa konkretong pader. Naisugod pa sa ospital ang biktima subalit idineklarang patay.

Show comments