BULACAN , Philippines – PinabuÂlagta ang 34-anyos na security guard na sinasabing pangunahing suspek sa pagpatay sa kanyang ka-live-in matapos itong pagbabarilin ng dalawang di-kilalang lalaki sa Barangay Sta. Clara, bayan ng Sta.Maria, Bulacan kamakaÂlawa ng gabi. Tatlong bala ng cal.45 pistol tumapos sa buhay ni Carlo Zapanta ng Barangay Bagbaguin sa nasabing bayan. Nabatid na si Zapanta ang sinasaÂbing pangunahing suspek sa pagpatay sa dati nitong ka-live-in na si Glicelda Blas, 28, lady guard, ng Brgy. Santa Anastacia, bayan ng Sto.Tomas, Batangas. Ayon kay PO2 Jonathan Mañacap, patungo sa panaderya ang biktima kung saan siya ang security guard nang harangin at ratratin pagsapit sa madilim na bahagi ng nasabing lugar.