SUBIC, Zambales, Philippines - Nakipagtulungan ang pamunuan ng Korean shipbuilding giant Hanjin sa mga residente sa Olongapo City at iba pang bayan sa Zambales matapos manalasa ang tubig-baha at landslides noong nakalipas na linggo.
Ayon kay HHIC-Phil. Inc. president Jin Kyu Ahn, kaagad na nagpadala ng mga kailangan tulong ang Korean shipbuilder matapos mag-request sina Subic Mayor Jay Khonghun, at Zambales 1st district Representative Jeffrey Khonghun ng mga heavy equipment para sa clean-up operataions.
“ The loss of life in these areas are unfortunate, and we extend our condolences to the families affected, “ pahayag ni Ahn.
“ To help with the clean-up efforts, Hanjin has already deployed heavy equipment to these areas. “ dagdag pa ni Ahn.
Kasunod nito, kaagad na ipinakalat sa mga apektadong lugar ang mga dump trucks, backhoes, at payloaders sa mga lugar sa Olongapo City at sa mga bayan ng Subic, Castillejos, at sa bayan ng San Marcelino sa Zambales para sa clean-up operations.
Nagpadala rin ang Hanjin ng mga kahon ng medicine at prophylaxis para sa leptospirosis upang labanan ng mga kabataan at matanda ang nakamamatay na sakit dulot ng ihi ng daga na naglipana sa tubig-baha kung saan marami na rin ang namatay at aabot na sa 500 naman ang nasa ospital.
Nag-donate rin ang Korean shipbuilder ng 200 sako ng bigas at assorted grocery items sa mga residente ng mga nasabing lungsod at bayan sa lalawigan ng Zambales
“ As part of our CSR progÂram, we have been closely coordinating with the LGU officials, to see how we can help further. Hanjin is committed to being a positive force for good in these communities, “ pahayag pa ni Ahn.
Magugunita na noong September 23, nanalasa ang flashflood sa Olongapo City at sa mga bayan ng Subic, Castillejos, at sa San Marcelino kung saan marami ang namatay sa landslides kung saan libu-libong residente ang naapektuhan.