RIZAL , Philippines — Ibinasura ng Department of Justice (DOJ) ang kasong murder laban kay dating Antipolo City Mayor Danilo Leyble at anim na iba pang responÂdent kaugnay sa pagpatay sa sinasabing gunman sa bigong paglikida sa mag-amang sina Antipolo City Mayor Casimiro Jun Ynares III at dating Rizal Governor Caismiro “Ito†Ynares
Sa 7-pahinang resolusyon na nilagdaan ni Associate Prosecutor Edgar Mamia, pinawalang-sala sa kasong murder sina Alfredo Cunanan Garcia, Danilo Aquino, Ricky Reyes, Tintin Garcia, ex-Vice Mayor RoÂnaldo Leyva at si Atty. Andrei Zapanta.
Sinasabing ang mga resÂpondent ay tinukoy ng complainant na si Dorina Laroco na nagsabwatan paslangin ang kanyang mister na si Rolando Laroco na natagpuang sa bahagi ng San Isidro, Antipolo City, Rizal noong August 26, 2013.
Itinuturo ni Dorina ang mga respondent na nasa likod ng pagpaslang sa kanyang mister matapos na umano ay mabigo na isakatuparan ang planong pagpatay sa mag-amang Ynares.
Sa pagbasura sa kaso, nilinaw ng DOJ na maliban sa ipinakitang larawan ng kanyang asawa na tadtad ng bala, wala namang ibang ebidensiya na naipresenta ang complainant upang paÂnagutin sa krimen ang grupo ng dating alkalde.
“While we sympathize with her with the death of her husband, we are also duty bound not to indict any person if the same was not warranted by evidence,†paliwanag sa ruling ng piskalya.
Nilinaw din sa resolusyon na hindi maaaring gamiting ebidensiya at batayan sa pagsusulong ng kaso ang mga haka-haka lamang na nilahad ni Dorina at maging ng ilang sinasabing testigo.
“A witness can testify only to this fact which he knows of his personal knowledge, that is which are derived from his own personal perception,†saad sa isang bahagi ng resolusyon.