Mister pinutol ang ari dahil sa selos
MANILA, Philippines - Pinaniniwalaang may diperensya sa pag-iisip ang 46-anyos na mister dahil pinutol nito ang kanyang ari saka itinapon dahil sa matinding selos sa kanyang asawa sa Barangay Tabok, ManÂdaue City, Cebu kamakalawa.
Sa phone interview kay Chairman Jun “Poging“ Suico, kinilala ang biktima na si Federico Ilustrico na nasa kritikal na kalagayan sa pagamutan.
Nabatid na nag-away ang mag-asawang Ilustrico kung saan nagkulong sa silid ang misis na si Narcisa, 40, habang tumakbo naman sa likod ng kanilang bahay ang biktima.
Nagtungo naman ang biktima sa likod ng kanilang bahay na may 100-metro ang layo sa barangay hall at dahil mapurol ang kutÂsilyo na kanyang hawak ay blade na pang-ahit ang ginamit nito sa pagputol ng kaniyang ari saka itinapon.
Nagulantang na lamang ang mga barangay tanod sa lugar nang makita ang duguang biktima na hinimatay dahil sa maraming nawalang dugo.
Nabatid na ang biktima ay naging pasyente sa psyÂchiatric ward ng Vicente Sotto Memorial Medical Center sa Cebu City, Cebu.
Samantala, hindi na natagpuan ang pinutol na ari ng biktima na hinihinalang nilapa na ng mga asong gala at maaari rin umanong itinapon na sa ilog ng naÂsabing mister.
Inihayag pa ni Suico na nagselos ang biktima sa kanyang misis na inaÂkusahang may ibang kaÂrelasyon kaya naganap ang inÂsidente.
- Latest