Barangay kagawad itinumba

NORTH COTABATO, Philippines – Napatay ang isang barangay kagawad matapos itong barilin ng di-kilalang lalaki sa bisinidad ng Abellera Street sa Barangay Poblacion, bayan ng Kabacan, North Cotabato kamakalawa ng gabi. Kinilala ni P/Chief Insp. Jordine Maribojo, hepe ng Kabacan PNP ang biktima na si Kagawad Ronald Casimina ng Barangay Bangilan. Nagawa pang naisugod sa pagamutan ang biktima, pero di na ito umabot ng buhay dahil sa matinding sugat sa tiyan. Samantala, sugatan naman ang estudyanteng si Marvin Romero Placio matapos tamaan ng ligaw na bala ng baril kung saan naisugod sa University of Southern Mindanao Hospital.

Show comments