LEGAZPI CITY, Albay, Philippines – Apat-katao ang malubhang nasugatan makaraang sumabog ang tangke ng liquefied petroleum gas (LPG) sa Purok 4, Barangay 38, Legazpi City, Albay kamakalawa ng gabi. Naisugod sa Bicol Regional Training and Teaching Hospital ang mga biktimang sina Madona Que, may-ari ng bahay; Dennies Llaneta, 31; Rolando alegre, 34; at si Robert Ong, 34, pawang nakatira sa nasabing barangay. Sa ulat ni P/Supt. Robert Morico, hepe ng Legazpi City PNP, lumilitaw na ginawang imbakan at nagrerefill ng LPG ang bahay ni Que na walang kaukulang permiso sa kinauukulang ahensya ng pamahalaan. Narekober sa bahay ni Que ang 60 tangke ng LPG at malaking tangke na kinalalagyan ng liquefied gas na gamit sa iligal na negosyo.