13-anyos patay sa kuryente
MANILA, Philippines - Napaaga ang salubong ni kamatayan sa 13-anyos na lalaki makaraan itong makuryente sa bahay ng kanyang tiyahin sa Barangay Pasobolong Culianan sa Zamboanga City kamakalawa ng umaga. Idineklarang patay sa Pasobolong Sanitarium Hospital ang biktimang si Jaafar Isa ng Muslim Village sa nasabing barangay. Sa police report na nakarating sa Camp Crame, lumitaw na isinaksak ng biktima ang kordon ng plantsa sa outlet ng kuryente sa bahay ng kaniyang tiyahin na si Mary. Gayon pa man, biglang nagkikisay ang biktima matapos na dumaloy sa katawan nito ang malakas na boltahe ng kuryente. Sa inisyal na imbestigasyon, nabasa ang nasabing outlet ng kuryente bunga ng pag-ulan kaya naging mitsa ng kamatayan ng binatilyo.
- Latest