Mag-asawa dedo sa tandem

BULACAN , Philippines  â€“ Pinaniniwalaang onsehan sa bawal na droga ang isa sa motibo kaya pinagbabaril hanggang mapatay ng riding-in-tandem gunmen ang mag-asawa  sa kahabaan ng highway sa Barangay Sta. Ines, bayan ng San Miguel, Bulacan kamakalawa ng gabi.

Anim na tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang tumapos sa buhay ni Edgardo Santos habang isang bala naman sa ulo ang kumitil sa buhay ni Bernadette Trinidad, 42, kapwa nakatira sa Barangay Malasipit sa nasabing bayan.

Base sa ulat ng pulisya, papauwi na ang mag-asawang lulan ng motorsiklo nang tabihan at ratratin ng tandem dakong alas-10:50 ng gabi pagsapit sa madilim na bahagi ng nasabing barangay.

Narekober sa crime scene ang ilang basyo ng bala ng cal.45 pistol.

Napag-alamang bagong laya si Santos sa kulungan sa Nueva Ecija sa kasong may kinalaman sa pagtutulak ng bawal na droga.

 

Show comments