Sheriff, 3 pa tiklo sa buy-bust

MANILA, Philippines - Rehas na bakal ang binagsakan ng 64-anyos na sheriff ng regional trial court  at tatlong iba pa sa inilatag na buy-bust operation ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at pulisya sa Vigan City, Ilocos Sur. Ayon sa ulat kahapon. Pormal na kinasuhan ang mga suspek na sina Terencio Florendo, sheriff,  64, ng # 26 V. Delos Reyes Street, Vigan City; Romeo Liquette, 43, ng Barangay III; Rustico Munson, 53, mekaniko, ng Barangay 4, Solid West; at si Bartolome Piano, 23, ng Barangay Capampangan. Pinangunahan ni PDEA Regional Office 1 Director Adrian G. Alvarino, at Vigan City PNP ang buy-bust operation sa bahay ni Florendo sa Encarnacion Street, Barangay V, Vigan City kung saan nasamsam ang 11-plastic sachets ng shabu, drug paraphernalias at P5,000 marked money na ginamit sa operasyon.

Show comments