Kandidatong chairman, nilikida

TUGUEGARAO CITY, Cagayan , Philippines – Isa na namang kandidato sa pagka-barangay chairman ang napatay matapos itong pagbabarilin ng mga di-kilalang lalaki sa Barangay Carabatan Punta, Cauayan City, Isabela kamakalawa ng gabi.
 Nabatid kay P/Supt. Paul Bometivo, pauwi na ang biktimang si Estelito Clarin lulan ng motorsiklo mula sa pakikipag-inuman sa kanyang pinsan nang tambangan.
 Nalagutan na ng hininga ang biktima habang ginagamot sa ospital ang biktima matapos tamaan ng mga bala ng M-16 Armalite rifle. Nabatid na dating barangay chairman si Clarin at desididong kumandidato sa nalalapit na barangay election sa Oktubre 28.

 

Show comments