Trader todas sa tandem

MANILA, Philippines - Napatay ang 33-anyos na negosyante matapos itong pagbabarilin ng motorcycle-riding gunmen kamakalawa ng tanghali sa bayan ng Naga, Zamboanga Sibugay. Kinilala ang biktima na si Teodorico dela Cerna ng Brgy. Baluno sa nasabing bayan. Base sa police report na nakarating sa Camp Crame, nagmomotorsiklo ang biktima sa kahabaan ng highway ng Sitio KM 2 patungo sa Brgy. Baluno nang sundan at ratratin ng gunman pagsapit sa Barangay Sta. Clara sa nasabing bayan. Narekober sa crime scene ang mga basyo ng bala ng cal. 45 pistol habang patuloy ang imbestigasyon.

 

Show comments