Biyenan inatado ng manugang

MANILA, Philippines - Nasa kritikal na kondisyon ngayon ang 57-anyos na mister matapos na  pagtatagain ng ka-live-in ng kanyang anak na babae sa Barangay Upper Tipan, bayan ng Naga, Zamboanga Sibugay kamakalawa ng gabi. Kasalukuyang nakikipaglaban kay kamatayan sa Zamboanga Sibugay Provincial Hospital ang biktimang si Ernesto Jacomilla Sr. Patuloy namang pinaghahanap ng pulisya ang suspek na si Jomar Caniado, 25, ng Barangay Sisay sa bayan ng Tungawan, Zamboanga Sibugay. Sa police report na nakarating sa Camp Crame, nagpapahinga na ang biktima nang biglang dumating ang suspek na lango sa alak kung saan sinita ito ng kanyang biyenan. Dito na nagkaroon ng mainitang pagtatalo sa pagitan ng dalawa na nauwi sa pananaga.

 

Show comments