MANILA, Philippines - Apat-katao ang kumpirmadong patay makaraang sumalpok ang kanilang motorsiklo sa nadiskaril na truck sa kahabaan ng national highway sa BaÂrangay Morales, Koronadal City, South Cotabato noong Biyernes ng gabi.
Sa phone interview, kinilala ni SPO1 Mario Garrido, desk officer ng Koronadal City PNP ang mga namatay na sina Jaymark Lumawag, 21, driver ng itim na Kawasaki Baja motorcycle na walang plaka; John Paul PaÂdernilla, 19; Ronnie Godio, 21; at si Roland Godio, 17; pawang nakatira sa Purok Greenfields, Barangay CaÂnuling, bayan ngTantangan.
Naisugod pa sa South Cotabato Provincial Hospital subalit idineklarang patay ang mga biktima sanhi ng malubhang sugat na tinamo nito partikular na sa kanilang ulo.
Base sa ulat ng Koronadal City PNP na nakarating sa Camp Crame, naÂganap ang trahedya sa kahabaan ng highway sa tapat ng subdibisyon dakong alas-9:30 ng gabi.
Kasalukuyang bumabagtas ang motorsiklo ng apat patungong Koronadal City mula sa Barangay San Felipe sa bayan ng Tantangan nang maganap ang trahedya.
Nabatid na sumabog ang kanang gulong sa hulihang bahagi ng puting Isuzu forward truck (GYK-283) ni Roger Tadios, 35, kaya naÂdiskaril ito sa highway.
Eksakto namang paparating na ang motorsiklong minamaneho ni Lumawag kaangkas ang tatlo nitong kasamahan kaya sumalpok sa nasabing truck.