^

Probinsiya

Trak vs bus: 17 kritikal

Ed Casulla at Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines – Umaabot sa labimpito-katao ang grabeng nasugatan matapos na sumalpok ang pampasaherong bus sa nakaparadang trailer truck sa kahabaan ng Andaya highway, Barangay Binahan Proper sa bayan ng Ragay, Camarines Sur kahapon ng madaling-araw.

Kabilang sa mga sugatang naisugod sa Bicol Medical Center ay sina Marife Regulado, Severo Regulado, Divina Hernandez, Edgardo Laroza, Salve Pano, Prescila Sina, Lorna Del Castillo, Wilson Epoo , Rex delos Santos, Desideria Celos, Loreta Paglinawan, Rowena Blanza, Arwin Blanza Jr., Arwin Blanza Sr., Leona Balingit, Ronnel Cortez, conduktor ng bus; at ang drayber ng bus na si Carlito Castro.

Napaulat din na bukod sa 17 malubhang nasugatan ay may iba pang mga pasahero na sugatan sa insidente bagaman bahagya lamang ang tinamong sugat sa katawan.

Sa ulat ng pulisya na nakarating sa Camp Crame, naganap ang sakuna bandang alas-2:45 ng madaling araw habang bumabagtas ang Raymund Bus (EVU-342 ) mula sa Metro Manila nang aksidente sumalpok sa likuran ng nakaparadang trailer truck (CUM -836).

Nabatid na halos kalahati ng highway ang inakupa ng trailer truck na pagmamay-ari ng Partido Marketing Corporation na minamaneho ni Garry Onion nang bumangga rito ang humahagibis na bus.

Sa lakas ng pagkakabangga ay nasugatan ang mga biktima na karamihan ay mga pasaherong humagis sa kanilang upuan dahil sa pawang natutulog ang mga ito.

 

ARWIN BLANZA JR.

ARWIN BLANZA SR.

BARANGAY BINAHAN PROPER

BICOL MEDICAL CENTER

CAMARINES SUR

CAMP CRAME

CARLITO CASTRO

DESIDERIA CELOS

DIVINA HERNANDEZ

EDGARDO LAROZA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with