^

Probinsiya

P2-M ari-arian limas sa akyat-bahay

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Umaabot sa P2 milyong halaga ng ari-arian ang nata­ngay ng grupo ng Akyat-Bahay Gang makaraang looban ang ipinatatayong bahay ng 45-anyos na seaman sa Purok 3, Barangay Libertad sa Butuan City, Agusan del Norte, kamakalawa. Sa inisyal na imbestigasyon ng Theft and Robbery Unit ng Butuan City PNP, nagawang pasukin ng mga kawatan ang bahay ni Allan Custoya Cubillas matapos   wasa­kin ang bintana sa guest room sa unang palapag. Kabilang sa mga gamit na tinangay ay ang electric wires sa buong bahay, pitong sliding doors, window grills, hagdanan, toilet bowl, 200-metro ng water hose, at ang Jecmatic pump. Sa follow-up investigation ay natukoy naman ang tatlo sa mga suspek  matapos na ibenta ng mura sa tatlong residente kabilang ang isang negosyante ang bahaging ninakaw ng mga ito sa biktima. Pansamantalang hindi muna tinukoy ang pagkakakilanlan ng mga suspek upang hindi mabulilyaso ang dragnet operations.

vuukle comment

AGUSAN

AKYAT-BAHAY GANG

ALLAN CUSTOYA CUBILLAS

BARANGAY LIBERTAD

BUTUAN CITY

JECMATIC

KABILANG

NORTE

THEFT AND ROBBERY UNIT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with