^

Probinsiya

Opisyal ng labor union itinumba

Pilipino Star Ngayon

CEBU, Philippines – Napaslang ang 45-anyos na opisyal ng labor union matapos itong pagbabarilin ng dalawang ‘di-kilalang lalaki na lulan ng motorsiklo sa kahabaan ng highway sa Barangay Ibo, Toledo City, Cebu noong Martes ng gabi.

Idineklarang patay sa Toledo City Hospital ang biktimang si Julito Monevo ng Barangay Awihaw at board member ng labor union sa Carmen Copper Corporation.

Narekober ng pulisya sa crime scene ang anim na basyo ng cal. 45 pistol, magazine ng baril, at anim pang bala.

Ayon kay SPO3 Praxilo Albiso, si  Moneva ay kaibigan ni William Ligutan, presidente ng Carmen Copper Worker Labor Association (CCWLA).

Sa pahayag ni P/Chief Insp. Michael Anthony Bastes, hepe ng Toledo City PNP, sinisilip ang anggulong labor dispute dahil dalawa ang labor union sa nasabing korporasyon.

Nabatid na si Ligutan nanalong president sa nasabing labor union laban kay Tony Cuizon  ng Panag­hugpong sa Mamumuo sa Carmen Copper (PAMCC).

Subalit nagsumite ng protesta ang grupo ni Cuizon’s sa Department of Labor and Employment laban kay Ligutan. Freeman News Service

BARANGAY AWIHAW

BARANGAY IBO

CARMEN COPPER

CARMEN COPPER CORPORATION

CARMEN COPPER WORKER LABOR ASSOCIATION

CHIEF INSP

DEPARTMENT OF LABOR AND EMPLOYMENT

FREEMAN NEWS SERVICE

JULITO MONEVO

LABOR

TOLEDO CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with