Negosyante utas sa tandem

QUEZON, Philippines - Napatay ang 37-anyos na negosyanteng Bumbay habang nasugatan naman ang dalawa nitong kababayan matapos na pagbabarilin ng riding-in-tandem gunmen sa Barangay Ilayang Kalilayan, bayan ng Unisan, Quezon kamakalawa ng tanghali. Tatlong bala ng cal. 45 pistol ang kumitil sa buhay ni Herjinder Singh, binata, ng Barangay Poblacion 9, Catanauan, Quezon. Naisugod naman sa Quezon Medical Center sa Lucena City ang mga sugatang sina Jatinder Singh, 27; at Gurpreet Singh, 23, pawang mga negosyante. Sa ulat ng pulisya, katatapos pa lamang maningil ng pautang ang mga biktima sa may-ari ng tindahang si Concuelo Rodil nang pagbabarilin ang kanilang kotse (VEN-291). Napuruhan si Herjinder habang sugatan naman ang dalawang kaibigan nito.

 

Show comments