4 BIFF dedo sa artillery ng AFP

MANILA, Philippines - Apat na miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) ang napaslang habang pitong iba pa ang nasugatan matapos paulanan ng artillery fires ng militar ang pinagkukutaan ng mga rebelde sa liblib na bahagi ng ng M’lang, North Cotabato noong Martes.

Ayon kay  Capt. Antonio Bulao, Army’s 602nd Brigade Civil-Military Operations Officer, bandang alas -9:30 ng umaga ay nagpakawala ng ilang rounds ng artillery fires sa kuta ng BIFF sa kagubatan ng Sitio Pedtad, Brgy. Gaunan malapit sa Liguasan Marsh.

 â€œGumamit ng artillery, fire support, kasi hindi basta-basta mapapasok ‘yung area, napapaligiran ng tubig,” paliwanag ni Bulao na iginiit na tama lamang ang pinakawalan nilang artillery fires upang wasakin ang depensa ng BIFF.

Sinabi pa ng opisyal na matapos ang ilang  oras ay nagwatak-watak ang mga rebelde na tumakas sakay ng 11 bangka patungo sa direksyon ng S.K. Pendatun sa  Maguindanao at bayan ng  Tulunan, North Cotabato.

“Ang report, apat na patay ‘yung naisakay sa mga pumpboat, at nakita ng mga sibilyan sa Tulunan. ‘Yung naisakay papunta sa S.K. Pendatun hindi na nakita,” ani Bulao na sinabi pang nasa 60 BIFF ang kanilang nakalaban.

Samantala, pito rin ang nasugatan sa panig ng mga kalaban, ayon pa sa opisyal.

Nabatid pa na dahil sa pagsalakay ng BIFF  ay napilitang magsilikas ang 30 pamilya na naninirahan sa Sitio Pedtad sa takot na maipit sa bakbakan.

Show comments