^

Probinsiya

Lady gym owner pinatay sa apartment

Pilipino Star Ngayon

BATANGAS , Philippines   â€“ Brutal na kamatayan ang sinapit ng 44-anyos na negosyanteng babae matapos itong paluin ng paso sa mukha ng di-kilalang lalaki sa loob ng kanyang apartment sa Lipa City, Batangas kahapon ng madaling-araw

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Marifi Caraan, may-asawa, ng P. Torres St. Barangay 6, Lipa City, Batangas at may-ari ng Step-Dance Gym Studio.

Ayon kay SPO4 Archie Limbo, natagpuan patay si Caraan sa loob ng kanyang unit sa 2nd floor ng mga te­nants mula sa 3rd floor, noong Lunes ng umaga.

“Nakita nung mga tenant sa 3rd floor na nakabukas ang backdoor ng unit ni Caraan kaya nila sinilip at nakita nila ang duguang katawan ng biktima na nakadapa sa sahig,” pahayag ni Limbo

Ayon sa imbestigasyon, huling namataang buhay si Caraan bandang alas-6 ng gabi noong Linggo habang papasok ito sa apartment.

 â€œNakita pa namin siyang nagtimpla ng kape bandang alas-11 ng gabi tapos mga alas-12:30 ng hatinggabi nang may mga narinig kaming kalabugan sa loob ng kanyang unit sa 2nd floor,” pahayag ng isang tenant

Sa pagsisiyasat ng mga tauhan ng Scene of the Crime Operations (SOCO), pinatay si Caraan sa pamamagitan ng paghampas ng paso ng halaman sa kanyang mukha.

Nabatid na namumuhay na mag-isa si Caraan sa bansa kung saan nasa United States naman ang kanyang asawa’t mga anak.

“Hindi pa namin masabi kung robbery ito o hindi kasi ‘yung cell phone lang n’ya ang nawawala. Intact pa rin ‘yung ibang mamahalin gamit,” dagdag pa ni Limbo.

 

ARCHIE LIMBO

AYON

BATANGAS

CARAAN

LIPA CITY

MARIFI CARAAN

NAKITA

SCENE OF THE CRIME OPERATIONS

STEP-DANCE GYM STUDIO

TORRES ST. BARANGAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with