Pulis dinedo sa sabungan

BATANGAS , Philippines  â€“ Kamatayan ang sumalubong sa bete­ranong pulis samantalang sugatan naman ang kaibigan nitong dating pulis nang pagbabarilin ng mga di-kilalang lalaki sa sabungan sa Batangas City, Batangas kahapon. Kinilala ni P/Senior Inspector Dwight Fonte, Batangas PNP Public Information Officer ang napatay na si PO3 Willy Hernandez, naka-assign sa Batangas City PNP habang sugatan naman ang kaibigan nitong si Melvin Talabis. Ayon sa report, nagsasabong umano sina PO3 Hernandez at Talabis sa Balagtas Cockpit Arena nang lapitan at pagbabarilin ng mga armadong kalalakihan bandang alas-2:40 ng hapon. Isinugod pa ang dalawa sa Nazareth Hospital pero idineklarang patay si Hernandez habang ginagamot naman si Talabis.

 

Show comments